Ang Pag ibig ay parang Sapatos

Home/Vernacular/Ang Pag ibig ay parang Sapatos

Views: 1501

Ang Pag ibig ay parang Sapatos

By |August 12th, 2015|Vernacular|0 Comments

Kanina, dumaan ako sa Mall. Bibili sana akong sapatos. Habang pumipili ako ng mga naka-sale, may nakita akong pares na sobrang ganda talaga. Sabi ko “Shet ang simple pero astig ng dating.” Nilapitan ko. Sinukat ko, pero hindi sakin kasya. Maliit. Masikip. Masakit sa paa.

Ganito rin sa pag-ibig. May mga magugustuhan o mamahalin tayong tao, pero hindi ibig sabihin nun na sila na yung nakalaan para satin. Hindi ibig sabihin na mahal mo, eh ipagpipilitan mo na o pipilitin mo siya. Baka matulad ka sa paa ko, habang pinipilit kong ipagsiksikan, lalong nasasaktan.

Choice natin to. Kung bibilhin ba natin yung sapatos kahit masikip at nasasaktan ka, o hahanap ka ng ibang size kahit wala na, o hindi ka muna bibili para i-save yung pera mo sa “mas mahalagang bagay” sa buhay mo.

– Anonymous

Ikaw? Anong choice mo?

Leave A Comment